2 Canadian nationals hinatulang guilty sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga

By Dona Dominguez-Cargullo February 28, 2018 - 10:25 AM

Hinatulang guilty ng mababang korte ang dalawang Canadian Nationals na kapwa naaresto noong taong 2014 dahil sa pagkakasangkot sa illegal drugs.

Kapwa iniharap sa Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 62 sina James Clayton Riach at Ali Memar Mortazavi Shirazi nang ibaba ang hatol sa kanila sa kasong possession of illegal drugs.

Habambuhay na pagkakabilanggo ang hatol ng korte laban sa dalawa.

Sa raid noong taong 2014, nakuha mula sa dalawang dayuhan ang aabot sa P100 milyon halaga ng shabu at ecstasy.

Taong 2015 nang sila ay pansamantalang makalaya matapos magpiyansa pero iniutos ng korte ang muling pag-aresto sa kanila.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 2 canadian nationals, arrested for illegal drugs, lower court, Radyo Inquirer, 2 canadian nationals, arrested for illegal drugs, lower court, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.