Balik-normal na ang operasyon ng Sayak Airport sa Siargao, Surigao del Norte.
Pansamantalang ipinasara ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang paliparan makaraang mag-overshoot sa runway ang eroplano ng Skyjet kahapon.
Ayon kay Gilber Ortojan, manager ng Skyjet Airlines-Siargao, pa-take off na ang eroplano nang bigo itong lumipad dahil sa birdstrike.
Natagpuan namang patay ang dalawang ibon sa runway.
Ligtas naman ang 73 pasaherong sakay ng flight M8-421.
MOST READ
LATEST STORIES