Paligid ng Korte Suprema pinabantayan sa MPD

By Ricky Brozas February 28, 2018 - 09:27 AM

Ipinag-utos ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) ang mas pinaigting na seguridad sa paligid ng Korte Suprema.

Iyan ay sa harap na rin ng posibilidad ng pagdaraos ng mga pagkilos pabor at kontra sa kinakaharap na impeachment complaint ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sinabi ni MPD Spokesman Police Supt. Erwin Margarejo na sapat ang bilang ng mga pulis ang kanilang ipakakalat sa bisinidad ng Korte Suprema sa Padre Faura St. Sa Ermita, Manila.

Ito ay para matiyak ang kaayusan sa kabila ng “indefinite leave” ng punong-hukom, para makapaghanda sa impeachment.

Kabilang sa mga itatalaga sa lugar ay ang mga anti-riot police na nagpapanatili ng maayos na sitwasyon sa lugar.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: imepachment complaint, Maria Lourdes Sereno, Protest Rally, Supreme Court, imepachment complaint, Maria Lourdes Sereno, Protest Rally, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.