56 na prisoners van, ipinamahagi sa mga bilangguan
Ipinamahagi ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang 56 na prisoners van sa iba’t ibang mga bilangguan sa bansa.
Ayon kay BJMP chief, Jail Director Deogracias Tapayan, naging prayoridad sa napagkalooban ng van ang mga bilangguan na may mataas na bilang n gmga preso subalit walang sapat na transport vehicles.
Gagamitin ang prisoners van sa pagbiyahe sa mga preso mula bilangguan patungong korte.
Sinabi ni Tapayan sa Passi City sa Iloilo, naranasan pa ng mga BJMP escorts na mag-commute kasama ang mga preso kapag dinadala sa korte para dumalo ng pagdinig sa kanilang kaso.
Ngayong taong 2018, mayroon pang 300 prisoners van ang paparating na ipapakalat sa mga bilangguan sa bansa.
Sa datos ng BJMP, mayroong kabuuang 146,147 na PDLs o Persons Deprived of Liberties ang nasa 481 na district, city at municipals jails sa buong bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.