Writ of Kalikasan, isasampa laban sa kumpanyang nagtayo ng artificial islands sa West PH Sea

By Jan Escosio February 28, 2018 - 08:28 AM

Pinag-aaralan na ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang posibleng pagsasampa ng Writ of Kalikasan sa Korte Suprema laban sa mga kumpaniya na nagtayo ng artificial islands sa West Philippine Sea.

Ayon kay IBP President Abdiel Elijah Fajardo nang itayo ang mga istraktura imposible na walang nahukay na mga corals para pagtayuan ng platforms na susuporta sa mga isla.

Binanggit nito na siyam na coral reefs ang nasira ng paghuhukay at aabutin ng libo-libong taon bago makakarekober ang mga ito.

Aniya ang kanilang impormasyon ay mula sa non-government organizations na nagsusulong ng maritime protection.

Ibinahagi pa ni Fajardo na hindi imposible na ang pagpapatayo ng China ng artificial islands ay maituturing na ‘maritime environmental disaster.’

Dagdag pa nito kasama sa pinag aaralan nila ay ang paghingi ng danyos at injunction para matigil na ang patuloy na pagkasira ng mga koral.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: IBP, Spratly's, West Philippine Sea, writ of kalikasan, IBP, Spratly's, West Philippine Sea, writ of kalikasan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.