Pinay sa Jeddah nagpositibo sa MERS-CoV

June 9 MersCOv dot netIsang Filipina nurse sa Jeddah ang nagpositibo sa Middle East respiratory syndrome-coronavirus (MERS-Cov).

Ayon kay Welfare Officer Amelito Adel ng Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) sa Jeddah, ang nasabing nurse ay nagtatrabaho sa isang ospital sa Jeddah at nahawa sa mga pasyenteng tinamaan ng nasabing sakit.

Naka-confine ngayon sa isang MERS designated hospital sa Jeddah ang pinay.

Bumubuti na rin aniya ang kondisyon ng nurse na pinay at inalis na ang respiratory tube na naunang ikinabit dito.

Sa rekord ng World Health Organization (WHO) nakapagtala ng anim na bagong kaso ng MERS-CoV sa Saudi Arabia sa pagitan ng September 20 hanggang 26.

Pinaalalahanan din ni Adel ang mga OFWs sa Saudi Arabia na nagtatrabaho sa mga pagamutan na mag-doble ingat para hindi tamaan ng sakit.

Read more...