Ilang indibidwal isinugod sa ospital matapos mabuksan ang isang liham sa US military base sa Virigina

February 28, 2018 - 08:11 AM

Ilang indibidwal ang sumama ang pakiramdam at dinala sa pagamutan makaraang mabuksan ang isang liham na dumating sa military base sa Virginia, USA.

Ayon sa Arlington, Virginia Fire Department, dumating ang liham sa Joint Base Myer-Henderson Hall na isang US Marine base at aabot sa labingisang katao ang agad na sumama ang pakiramdam.

Ayon sa pahayag ng Pentagon, kabilang sa mga naapektuhan ang ilang miyembro ng US Marines.

Tatlo ang dinala sa ospital na ayon sa mga otoridad ay nasa maayos naman nang kondisyon.

Nakaranas sila ng pagdurugo ng ilong at pagkasunog ng kamay kaya hininalang insidente ng “HAZMAT” o hazardous materials ang naganap.

Agad nagtalaga ng “HAZMAT” teams sa lugar kabilang ang mga tauhan ng Federal Bureau of Investigation at pinalikas ang mga taong nasa military base.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Hazardous Materials, HAZMAT, Joint Base Myer-Henderson Hall, us marines, Virginia Fire Department, Hazardous Materials, HAZMAT, Joint Base Myer-Henderson Hall, us marines, Virginia Fire Department

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.