WATCH: Walong katao kabilang ang isang buntis, arestado sa buy-bust sa Taguig

By Mark Makalalad February 28, 2018 - 07:15 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Naaktuhang gumagamit ng iligal na droga kaya dinakip ang walong katao kabilang na ang isang buntis sa ikinasang drug buy-bust operation sa 111 Block 6 zone 3, Brgy. Fort Bonifacio, Taguig City.

Target ng operasyon si Emma Misa, na kilala umanong tulak ng droga sa Western Taguig, Pasay at Parañaque.

Ayon kay Chief Inspector Jerry Amindalan, hepe ng Drug Enforcement Unit ng Southern Police District, nagpanggap ang kanilang mga operatiba na bibili ng P2,000 halaga ng shabu sa suspek nang makita ang iba pang kasamahan nito kasama na ang may-ari ng apartment na nagpo-pot session.

Nabatid din na dati nang nasalakay ang naturang paupahan na nagsisilbi umanong drug den.

Depensa ni Misa, wala syang kamalay-malay sa operasyon ng mga pulis. Nasa labas lamang umano sya ng kanyang tirahan ng damputin sya ng mga pulis.

Bagaman umaming dating gumagamit ng iligal na droga, kaniya namang itinanggi na nagbebenta sya nito.

Ganito rin ang sentimyento ni Elizabeth Dayang, ang buntis na sa nahuli sa buy bust.

Ani Dayang, dati syang drug user pero naghuhugas lamang sya ng pinggan nang arestuhin sya ng mga pulis.

Paliwanag naman ni Neil Bendicto, dati na syang huminto sa pagbibisyo ng droga at nag-iinuman lang sila sa labas nang lapitan ng mga operatiba ng SPD at arestuhin.

Nakuha mula sa mga suspek ang 4 na pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaha ng P40,000.

Nakumpiska rin mula sa kanila ang ilang drug paraphernalia at digital weighing scale.

Mahaharap ang mga naaresto sa reklamong paglabag sa RA 9165.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: drugs, taguig, war on drugs buy bust, drugs, taguig, war on drugs buy bust

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.