Nananaig pa rin ang La Niña sa tropical Pacific na may posibleng paglipat patungong netural condition pagsapit ng susunod na tatlong buwan.
Ayon sa PAGASA, magdadala ito ng bahagyang mas mainit na surface temperature sa malaking bahagi ng bansa sa mga susunod na buwan.
Inaasahang matatapos na sa katapusan ng Marso ang northeasterly winds, habang ang easterlies naman ay malamang na mararamdaman sa bansa sa kasagsagan ng tagtuyot mula Marso hanggang Mayo.
Higit sa normal ang inaasahang mga pag-ulan na mararanasan sa Albay, Camarines Sur, Catanduanes, Basilan, Bukidnon, Lanao del Sur, Maguindanao, Sarangani, South Cotabato, Sultan Kudarat at Davao Region.
Gayunman, mas mababa naman sa normal ang mararanasang mga pag-ulan sa Luzon pagsapit ng Marso, habang normal hanggang bahagyang higit sa normal naman ang mananaig sa Visayas at Mindanao.