La Niña, hanggang Abril o Mayo pa mararanasan – PAGASA
Bagaman mahina na, tatagal pa hanggang buwan ng Abril o Mayo ang nararanasang La Niña phenomenon na magdadala ng mas marami sa normal na pag-uulan at bahagyang mas mainit na temperatura sa bansa.
Nananaig pa rin ang La Niña sa tropical Pacific na may posibleng paglipat patungong netural condition pagsapit ng susunod na tatlong buwan.
Ayon sa PAGASA, magdadala ito ng bahagyang mas mainit na surface temperature sa malaking bahagi ng bansa sa mga susunod na buwan.
Inaasahang matatapos na sa katapusan ng Marso ang northeasterly winds, habang ang easterlies naman ay malamang na mararamdaman sa bansa sa kasagsagan ng tagtuyot mula Marso hanggang Mayo.
Higit sa normal ang inaasahang mga pag-ulan na mararanasan sa Albay, Camarines Sur, Catanduanes, Basilan, Bukidnon, Lanao del Sur, Maguindanao, Sarangani, South Cotabato, Sultan Kudarat at Davao Region.
Gayunman, mas mababa naman sa normal ang mararanasang mga pag-ulan sa Luzon pagsapit ng Marso, habang normal hanggang bahagyang higit sa normal naman ang mananaig sa Visayas at Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.