Pagpuna ng Pilipinas sa pag-pangalan ng China sa mga features sa Philippine Rise, natanggap na
Natanggap na ng China ang pagpapahayag ng Pilipinas ng pagkabahala sa pagbibigay nito ng pangalan sa limang underwater features ng Benham o Philippine Rise.
Ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon, “noted” lang ang tanging reaksyon pa sa ngayon ng China ukol dito.
Ayon pa kay Esperon, kailangan muna nilang makuha ang report, at sa kabila naman nito ay mayroon namang bilateral consultative meetings kada anim na buwan, maliban pa sa nalalapit na pagsasagawa ng code of conduct meetings.
Bukas naman aniya ang pamahalaan na iakyat ang isyu sa International Mapping Agency ng United Nations.
Gayunman, hindi ito ang prayoridad ng gobyerno sa ngayon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.