Sa Turkey: Janitor kulong ng 572 taon dahil sa pangmomolestya sa 18 lalakeng estudyante
Pinatawan ng 572 taong pagkakabilanggo ang isang janitor sa bansang Turkey dahil sa panggagahasa sa 18 bata sa paaralan na kanyang pinagtatrabahuhan sa bayan ng Ankara.
Ibinaba ang hatol ng hukuman sa probinsya ng Adiyaman sa hindi kinilalang janitor matapos mapatunayang guilty sa kasong child sexual abuse at iba pang mga kaso na may kinalaman sa pang-aabuso sa mga kabataan.
Napag-alaman sa rekord ng hukuman na nagtrabaho ang janitor sa Imam Hatip high school sa pagitan ng taong 2012 hanggang 2015.
Sa kasagsagan ng kanyang pagtatrabaho sa paaralan, nagawa nitong abusuhin ang 18 lalakeng estudyante at kung minsan ay saktan pa ang mga ito.
Dahil sa naturang kaso, muling binuhay ng gobyerno ng Turkey ang panukalang ipatupad ang chemical castration sa mga mapapatunayang guilty sa mga kaso ng rape at sexual abuse sa mga kabataan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.