Yoga instructor na supplier umano ng droga, arestado sa Taguig

By Mark Makalalad February 28, 2018 - 12:18 AM

 

Kaloboso ang isang yoga instructor matapos madiskubre sa kanyang condo unit ang iba’t ibang klase ng illegal na droga sa Bonifacio, Global City sa Taguig.

Nakilala ang suspek na si Marie Stephanie Arranz, 31 taong gulang.

Inisyu ang search warrant ni Executive Judge Reynaldo Alhambra ng Manila Regional Trial Court Branch 53 para sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa suspek.

Nang isagawa ang operasyon, nasabat sa loob ng kanyang condo ang P100,000 halaga ng mga hinihinalang shabu, cocaine at marijuana.

Ayon kay PNP-DEG legal officer Atty. Enrico Rigor, inabot din ng isang buwan ang kanilang surveillance operations sa suspek.

Nabatid din na gumagamit siya ng motorsiklo o habal-habal sa pagde-deliver umano ng illegal na droga.

Sabi ni Rigor, posibleng bahagi ang suspek sa sindikato ng illegal na droga ng radio DJ at host na si Karen Bordador na unang naaresto noong 2016 dahil din sa droga.

Samantala, itinanggi naman ng suspek ang mga paratang sa kanya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.