Paglilipat kay Mark Taguba sa Camp Crame napurnada
Hindi natuloy ang paglipat sa PNP Custodial Center ng custom fixer at isa sa suspek sa mahigit na P6 Billion pisong shabu shipment mula sa China.
Nabatid na nasa gate na ng Camp Crame ang grupo ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) na maghahatid kay Taguba nang harangin ito.
Ayon sa abogado ng Camp Crame, may circular memo umano na pumipigil sa paglilipat kay Taguba sa PNP Custodial Center mula sa NBI.
Galing umano sa Korte Suprema ang utos at ito ay naglalatag ng mga kwalipikasyon ng mga detainee na maaaring ilipat sa nasabing kulungan.
Matatandaang ipinag-utos ng Manila Regional Trial Court Branch 46 na ilipat si Taguba sa PNP Custodial Center matapos na maghain ng apela sa hukuman ang kanyang kampo para hindi siya mailipat sa Manila City Jail dahil sa banta sa kanyang buhay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.