Con-Com inirekomenda ang pagbuo ng federal-presidential government system
Inirekomenda ng binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte na Consultative Committee (Con-Com) ang pagbuo ng federal-presidential system bilang porma ng ating pamahalaan alinsunod sa charter change.
Siyam ang bumoto para sa pag-adoft ng federal-presidential system, isa ang bumoto para sa parliamentary system samantalang walo naman para sa hybrid semi-presidential system.
Dalawang miyembro naman ng Con-Com ang absent sa ginanap na walong oras na sesyon.
Ayon sa Con-Com rules, kailang ang sampung mga boto para makabuo ng majority votes ng mga kasapi nito maliban na lamang kung may mga lumiban sa mismong araw ng botohan.
“We cannot afford a system where we see too many parts of the body that we have yet to capture,” ayon kay Retired Chief Justice Reynato Puno na siyang pinuno ng binuong komisyon.
Sa ilalim ng federal-presidential system, ang pamahalaan ay pamumunuan ng pangulo, pangalawang pangulo kabilang rin dito ang executive, legislative at judiciary.
Magkakaroon din ito ng federal states kung saan ay may sarili silang federal legislature at local governments na kahalintulad ng kasalukuyang set-up sa pamahalaan ng U.S.
Magugunitang noong panahon pa lamang ng kampanya ay sinabi na ni Pangulong Rodrigo Duterte na isusulong niya ang amyenda sa Saligang Batas para mapalakas ang lokal na pamahalaan lalo na sa mga lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.