War on drugs ng pwedeng imbestigahan ng UN ayon sa Malakanyang
Payag ang Malakanyang na magpa-imbestiga sa United Nations kaugnay sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte basta’t huwag lamang si Special Rapporteur Agnes Callamard ang ipadadala sa bansa.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na walang kredibilidad si Callamard.
Ayon kay Roque may irerekomenda siyang isang rapporteur na maaring magsagawa ng imbestigasyon pero mas makabubuting huwag na munang isapubliko ang pagkakakilanlan nito.
Sinabi pa ni Roque isa sa mga kwalipikasyon ng rapoorteur ay dapat mapagkakatiwalaan.
Dagdag pa ni Roque na makikita ang pagiging epektibo ng isang special rapporteur base sa kanyang karakter, kredibilidad at kung magapakaktiwalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.