Apat na sundalo sugatan sa pananambang ng NPA sa Quezon
Nasugatan ang apat na tropa ng pamahalaan makaraang tambangan sila ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa General Luna, Quezon.
Ayon kay Col. Elias Escarcha, commander ng 201st Infantry Brigade ng Philippine Army, ang apat na sundalo na mula sa engineering brigade ng Army ay sakay ng military truck nang sila ay pasabugan ng landmine.
Ayon sa General Luna police naganap ang ambush sa Bondoc Peninsula highway sa Barangay Bacong alas 9:15 ng umaga ng Martes.
Agad dinala sa ospital sa bayan ng Catanauan ang mga nasugatang sundalo.
Ani Escarcha, maliban sa nasabign pag-atake, tinangka din ng mga NPA na mambaril ng sundalo sa detachment sa Barangay 9 sa Catanuan pero wala naman silang natamaan.
Halos magkasabay na naganap ang insidente sa General Luna at sa Catanuan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.