Mahigit 30 katao, nasawi sa lindol sa Papua New Guinea
Pinaniniwalaang higit 30 katao ang namatay sa malakas na lindol na tumama sa Papua New Guinea.
Batay sa ulat ng PNG Post Courier, sinabi ni Hela provincial administrator William Bando na may casualties na naitaa.
Hindi bababa sa 13 katao ang patay sa Mendi, habang 18 ang pinaniniwalaang nasawi rin sa Kutubu at Bosave.
Sugatan naman ang 300 katao. Mayroong ding mga pagguho ng lupa at sinkholes.
Ayon kay Chief Secretary Isaac Lupari, nagpadala na ng assessment teams ang gobyerno para makita ang idinulot na pinsala ng lindol. Pinakikilos na rin ang militar para maibalik ang mga serbisyo at imprastruktura.
Tumama ang magnitude 7.5 na lindol sa Papua New Guinea, 90 kilometro sa timog ng Porgera sa lalawigan Enga noong Lunes.
Sinundan pa ito ng dalawang malalakas na aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.