Special task force binuo ng DENR para tutukan ang mga beach sa MIMAROPA

By Rohanisa Abbas February 27, 2018 - 10:55 AM

Matapos ikasa ang crackdown sa Boracay, target naman ngayon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga lumalabag sa environmetal laws sa isa pang tanyag na tourist spot na Puerto Galera sa Oriental Mindoro.

Bumuo na ng special task forces ang DENR sa Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan (MIMAROPA).

Maliban sa Puerto Galera, mahigpit na binabantayan ng kagawaran ang El Nido at Coron sa Palawan.

Aminado si DENR Mimaropa director Natividad Bernardino na marami ring establisyimyento sa El Nido ang lumabag sa sewage and sanitation laws.

Ayon kay Bernardino, sa kanilang inspeksyon noong nakaraang linggo, nadiskubreng 80% ng mga establisyimyento ang walang wastewater discharge permits mula sa DENR.

Sinabi rin ng opisyal na 70% ng commercial establishments sa El Nido ang hindi regular na nililinis ang kanilang septic tanks.

Maliban dito, nakababahala rin aniya ang problema sa sewage, at mababang kalidad ng tubig sa Sabang Bay sa Barangay Sabang at White Beach sa Barangay San Isidro sa Puerto Galera.

Ipinahayag ni Bernardino na nakatakdang inspeksyunin ng ahensya ang mga resort sa El Nido at Coron sa mga susunod na linggo, at sa Puerto Galera sa Marso.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: DENR, Marinduque, Mindoro, Palawan, Romblon, DENR, Marinduque, Mindoro, Palawan, Romblon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.