Maliban sa mga tubero at karpentero, nais ng pangulo na pauwiin na din ang iba pang Pinoy na ang trabaho sa Gitnang Silangan ay may kinalaman sa construction.
Ayon sa pangulo, naubusan na kasi ang Pilipinas ng mga magagaling na tubero at master carpenter.
Sinabi pa ng pangulo na maraming construction ngayon na nagaganap sa Pilipinas pero bumabagal ang paggawa dahil sa kakulangan ng mga skilled workers.
Nakalulungkot ayon sa pangulo dahil bagaman marami ang mga magagaling na Filipino workers, hindi naman sila napapakinabangan ng bayan dahil sa panay ang pagtatrabaho sa ibang bansa.
“Maraming construction ngayon medyo nag-slowdown because ang ating mga plumber, master carpenter, are all in the Middle East. We are trying to get them back, may delegation ako doon. ‘Yun ang kailangan natin, wala tayo. Marami tayong tao but you cannot just pick up a guy there and order him na magkabit-kabit diyan ‘di puputok ito,” ayon sa pangulo.