Bayarin sa toll sa NLEX posibleng tumaas

By Justinne Punsalang February 27, 2018 - 08:02 AM

Inquirer Northern Luzon

Nagbabadyang magkaroon ng toll hike sa North Luzon Expressway (NLEX).

Ayon sa tagapagsalita ng Toll Regulatory Board (TRB) na si Albert Suansing, iminungkahi nila na ipatupad ang pagtataas sa singil sa toll sa loob ng dalawang taon.

Ayon naman kay NLEX Corp. president and chief executive officer Rodrigo Franco, 2011 pa nang magkaroon sila ng adjustment sa bayarin sa toll at ₱6 bilyon na ang kanilang ikinalugi simula ng naturang taon.

Aniya pa, mahihirapan silang buuin ang mga proposed projects kung kulang naman ang kanilang pondo.

Balak nilang magkaroon ng 9.6km na thoroughfare na magkakabit sa Manila-Cavite Toll Expressway sa Rosario at Sangley Point, bukod pa sa kalsadang magkakabit naman sa C-5 at NLEX.

Nais rin ng Metro Pacific Investments Corporation na magkaroon ng expressway na magkakabit naman sa Cavite at Batangas.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: NLEX, Radyo Inquirer, toll rate hike, NLEX, Radyo Inquirer, toll rate hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.