Lalaki binaril habang natutulog sa bangketa sa Commonwealth Avenue, Quezon City

By Justinne Punsalang February 27, 2018 - 07:13 AM

Kuha ni Justinne Punsalang

Hindi na muling nagising pa ang isang lalaking natutulog matapos itong barilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa isang bangketa sa kahabaan ng Commonwealth Avenue na sakop ng Barangay Holy Spirit sa Quezon City.

Kinilala ang biktimang si Eddie Villanueva, na nasa 45 hanggang 50 taong gulang at isang parking boy sa lugar.

Ayon sa ilang mga residente sa lugar, nakarinig sila ng putok na sa una ay inakala lamang nilang mabigat na bagay na kumalabog sa bubong. Nang tingnan ay doon na nila nakita ang duguan at wala nang buhay na katawan ni Villanueva. Nakita pa umano ng isang barangay tanod ang isang lalaki na tumakbo papalayo sa pinangyarihan ng insidente.

Kwento ng anak ng biktima, mayroong nakaaway na alyas Sonny ang kanyang ama kamakailan lamang. P150 utang ang sinasabing pinag-awayan ng dalawa.

Bukod dito, isa pang tinitingnang anggulo ng mga otoridad na motibo sa pamamaril ang posibilidad na may kaugnayan sa droga si Villanueva.

 

 

 

 

 

 

TAGS: ambush, commonwealth avenue, quezon city, Shooting Incident, ambush, commonwealth avenue, quezon city, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.