5 drug suspects arestado sa buy-bust operation sa Quezon City
Dalawamput siyam na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga elemento ng Quezon City Police District – District Drug Enforcement Unit (QCPD-DDEU) sa kanilang ikinasang buy bust operation sa UP Bliss, Barangay Botocan, Quezon City.
Kinilala ang mga arestadong suspek na sina Nonoy Burug alyas Oca, Anna Cruz, Jeffrey Cayabyab na dati nang nakulong, Alfredo Abella na dalawang beses nang nakulong at aminadong gumagamit ng iligal na droga, at Joris Moseros.
Ayon kay Barangay Botocan Kagawan Randy Brien, dati nang mga surrenderee sa Oplan Tokhang mga naarestong suspek ngunit nanatili sa kanilang drug watchlist matapos hindi tumigil sa paggamit ng iligal na droga.
Ani Brien, palaging sinasabihan at pinapakiusapan ng mga kawani ng barangay ang mga suspek na tumigil na ngunit tila hindi naman nakikinig ang mga ito.
Dagdag pa ng kagawan, nagnanakaw rin ang mga suspek.
Sa kabuuan, 15 gramo ng iligal na droga na may street value na P75,000 ang nakumpiska ng mga otoridad mula sa mga suspek.
Mahaharap ang lima sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.