Davao Occidental at Eastern Samar, niyanig ng lindol
Magkasunod na pagyanig ang naitala ng PHIVOLCS sa Davao Occidental at Eastern Samar ngayong Martes ng umaga.
Ala 1:23 ng madaling araw nang tumama ang magnitude 3.0 na lindol sa bayan ng Sarangani sa Davao Occcidental.
Ayon sa PHIVOLCS ang epicenter ng lindol ay naitala sa 212 kilometers South ng Sarangani.
2 kilometers lang ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin.
Samantala, alas 6:06 naman ng umaga nang yanigin ng magnitude 3.6 ang Guiuan, Eastern Samar.
Naitala naman ang epicenter ng lindol sa 86 kilometers east ng Guiuan.
Ayon sa PHIVOLCS, 33 kilometers naman ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Kapwa hindi inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang dalawang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.