6 katao dinukot ng mga hinihinalang NPA sa Quezon

By Kabie Aenlle February 27, 2018 - 03:03 AM

 

Anim katao ang hinihinalang dinukot ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa isang rancho sa San Francisco, Quezon, Lunes ng gabi.

Ayon kay 85th Infantry Battalion commander Lt. Col. Ely Tono, sinalakay ng nasa 50 hanggang 60 na mga armadong kalalakihan na hinihinalang mga rebelde, ang isang rancho sa Sitio Tumbaga sa Barangay Nasalaan ng nasabing bayan.

Kabilang sa mga dinukot ng mga suspek ang dalawang miyembro ng Civilian Armed Forces Geological Unit (CAFGU).

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng pursuit operations ang dalawang platoons sa buong Bondog Peninsula, at naglagay na rin sila ng mga checkpoints sa nasabing lugar upang maharang ang mga suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.