EDSA People Power hindi fake news-Palasyo

 

Hindi produkto ng ‘fake news’ ang EDSA People Power Revolution noong February 25, 1986 kung saan sama-samang nag-aklas ang taumbayan para labanan ang diktaturya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Pahayag ito ng Palasyo matapos magpa-survey sa social media si Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson kung produkto ng fake news o hindi ang EDSA People Power Revolution.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang EDSA People Power Revolution ang kauna-unahang bloodless people power revolution sa buong mundo at nanatiling mahalaga ito.

Iginiit pa ni Roque na nakasaad din sa batas sa Pilipinas na hindi fake news ang EDSA People Power Revolution.

Katunayan, kinikilala ang EDSA revolt bilang isang deklaradong public holiday at pinaglaananan ng pondo ng gobyerno para sa paggunita sa anibersaryo nito.

“Well, according to the law, it is not fake news. According to the law, we honor the EDSA Revolution having declared it as a public holiday. And of course as I said earlier, we even have appropriate funds to commemorate the event.

So we still recognize and we will always recognize EDSA not only as an important historical event, but it was the first bloodless people power revolution in the whole entire planet earth; and it remains significant.” Pahayag ni Roque.

Kasabay nito, sinabi ni Roque na hindi minamaliit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahalagahan ng diwa ng EDSA revolution.

Ito ay matapos hindi siputin ng Pangulong Duterte ang selebrasyon ng anibersaryo ng EDSA People Power revolution kahapon sa People Power monument sa Quezon City sa ikalawang pagkakataon.

Read more...