Tricycle driver patay sa pamamaril sa Maynila

By Mark Makalalad February 27, 2018 - 01:53 AM

 

Kuha ni Mark Makalalad

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Guazon Ave., Paco, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Jimmy Liban, 40 taong gulang at nagtatrabaho bilang tricycle driver.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Jeff, posibleng may kinalaman sa droga ang motibo sa pamamaril.

Matagal na kasi umano nila itong pinatitigil sa paggamit ng iligal na droga pero hindi ito humihinto sa kanyang bisyo.

Nabatid na dating may kasong robbery ang suspek at nakalaya lang mula sa kulungan noong 2015.

Samantala, ayon naman sa nakasaksi sa krimen, pasado alas-10:30 ng gabi nang bigla syang nakarinig ng 4 hanggang 5 magkakasunod ng putok ng baril.

Nasa 4 na lalaki raw na sakay ng 2 motorskilo ang mga suspek sa krimen na agad tumakas papunta ng UN Avenue.

Sa tala ng SOCO, nasa 6 na basyo ng bala ng kalibre 45 ang natagpuan sa crime scene.

Patuloy ang imbestigasyon sa nangyaring pamamaril.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.