5,000 armas ibibigay ng isang “friendly country” sa Pilipinas – Duterte
Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na makatatanggap ang Pilipinas ng 5,000 armas sa mga susunod na araw mula sa aniya’y isang “friendly country.”
Ayon sa pangulo, hindi niya pa maaring sabihin kung anong bansa ito pero tiniyak niyang sa mga susunod na araw ay may darating na shipment sa bansa na naglalaman ng 5,000 armas.
Pangako pa ni Duterte, makaka-survive ang Pilipinas sa “pocket wars” at tiyak na tayo ay magiging isang “great nation” balang araw.
Maging si Defense Sec. Delfin Lorenzana ay tumangging magkomento sa kung saan magmumula ang mga nasabing armas.
Giit ni Lorenzana, kung ayaw itong sabihin ni Duterte ay hindi niya rin ito ibubunyag.
Matatandaang una nang nakatanggap ng 5,000 AK-74M Kalashnikov assault rifles, isang milyong rounds ng balam 20 army trucks at 5,000 na steel helmets ang bansa mula sa Russia.
Maliban dito, nagbigay din ang China ng P370 milyogn halaga ng mga armas at bala sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.