Fertility rate sa Pilipinas bumaba sa 2.7 puntos

By Justinne Punsalang February 27, 2018 - 01:00 AM

 

Mula sa 3 noong 2013 ay bumaba sa 2.7 noong 2017 ang fertility rate ng mga kababaihan na nasa reproductive age sa bansa.

Batay sa isinagawang National Demographic and Health Survey (NDHS) ng Philippine Statistics Authority, mas mababa na sa tatlong anak ang average na ipinanganganak ng mga babae na nasa edad 15 hanggang 49.

Ayon kay Commission on Population (POPCOM) executive director Dr. Juan Antonio Perez III, kabilang sa mga dahilan kung bakit bumaba ang fertility rate ay kahirapan, pressure sa trabaho, at mas mataas na pinag-aralan.

Dagdag pa ni Perez, marami na ring mga mag-asawa ang ang nagpa-plano ng pamilya lalo na’t ipinapatupad na ang Responsible Parenthood and Reproductive Health (RP-RH) Law.

Ayon pa sa POPCOM, mangangahulugan na stable ang population growth kapag bumaba ang fertility rate ng isang bansa.

Sa ngayon ay target ng komisyon na mas bumaba pa sa 2.1 ang fertility rate ng Pilipinas pagdating ng 2022.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.