Dapitan City isinailalim sa state of calamity

 

FB/Dapitan CPS PNP

Isinailalim na ang lungsod ng Dapitan sa state of calamity dahil sa matinding pagbabaha na nararanasan sa 11 barangay.

Partikular na apektado ang mga barangay ng Potungan, Dampalan, Opao, Ba-ao, Barcelona, Ilaya, Burgos, Oyan, Diwaan, Tamion, Masidlakon, at Sulangon.

Ayon sa Dapitan City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), ulan mula sa low pressure area ang nagdulot ng matinding baha.

Dahil s amalakas na buhos ng ulan, nag-overflow na ang mga ilog ng Sibutad, Tolon at Dampalan.

Ayon kay Nelson Quimigin ng CDRRMO, wala namang naitalang namatay dahil sa pagbabaha.

Ayon naman kay Dapitan Councilor Dug Christopher Mah, nasira ang mga pananim sa lungsod.

Sa ngayon ay patuloy ang pagbibigay ng tulong sa mga nag-silikas na mga residente kasabay ng rapid damage assessment sa mga apektadong lugar.

Read more...