Lalaking namaril sa Oregon school kinilala na, relihiyon ng mga biktima, inalam ng suspek bago namaril

By Dona Dominguez-Cargullo October 02, 2015 - 10:25 AM

151001152016-oregon-shooting-umpqua-community-college-new-photos-gilliam-intv-00004418-large-169Natukoy na ng mga otoridad ang suspek na namaril sa Umpqua Community College sa Oregon.

Ang suspek ay kinilalang si Chris Harper Mercer, 26 anyos base na rin sa pahayag ng kaniyang mga kaanak at kaibigan.

Batay sa pahayag ng ilan sa mga nakaligtas, isa-isang tinanong ni Mercer ang mga biktima kung ano ang kinabibilangan nilang relihiyon bago isinagawa ang pamamaril.

Ayon kay Kortney Moore, 18 anyos, dumadalo siya noon sa kaniyang writing class sa Snyder Hall nang lumusot ang bala ng baril sa bintana ng silid at tumama sa ulo ng kaniyang guro.

Inatasan umano sila ng gunman na dumapa, tapos ay isa-isang pinatayo ang mga biktima para ilahad ang kanilang relihiyon at saka sinimulan ang pamamaril.

Sampu ang nasawi sa nasabing insidente at pito ang nasugatan batay sa paglilinaw ni Douglas County Sheriff John Hanlin.

Kasunod ng panibagong kaso ng mass shooting ay muli namang binuhay ni US President Barack Omaba ang panawagang pag-amyenda sa gun law.

TAGS: OregonShooting, OregonShooting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.