Mga Pinoy sa Papua New Guinea ligtas makalipas ang magnitude 7.5 na lindol

By Den Macaranas February 26, 2018 - 03:04 PM

Walang naitalang sugatan o kaya ay namatay na Pinoy sa naganap na 7.5 magnitude na lindol na tumama sa Papua new Guinea kaninang madaling araw.

Sinabi ni Consular Officer ng Philippine Embassy sa Papua New Guinea Tenom Malaga na kaagad silang nakipag-ugnayan sa Filipino community sa nasabing bansa makalipas ang lindol.

Ipinarating na rin nila ang naturang impormasyon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Pero tiniyak ng opisyal na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga Pinoy sa Papua New Guinea para sa kanilang mga pangangailangan.

Sa ulat ng U.S Geological Survey, natagpuan ang epicenter ng lindol sa layong 89 kilometers sa Timog-Silangan ng Porgera District malapit sa Pacific Island Region.

Sa kabila ng malakas na lindol ay wala namang itinaas na tsunami alert ang Tsunami Warning Center sa lugar.

TAGS: Alert, DFA, earthquake, Papua New Guinea, tsunami, Alert, DFA, earthquake, Papua New Guinea, tsunami

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.