Ex-PNoy: Isyu sa Dengvaxia pinalala na ng pulitika
Nahaluan na ang pulitika ang kontrobersya sa Dengvaxia vaccine.
Ito ang sinabi ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa pagharap sa pagdinig ng joint House Committee on Health at Good Government and Public Accountability.
Iginiit din ng dating pangulo na walang iligal sa pagbili ng bakuna sapagkat dumaan ito proseso.
Sinabi nito na pagbaba niya sa puwesto noong June 2016 ay nagkaroon na ng imbestigasyon ang kamara at senado pero nagpapatuloy pa rin hanggang ngayon dahil sa pulitika.
Dahil aniya sa pamumulitika hindi na pimapansin ngayon ang iba pang bakuna na ibinibigay ng pamahalaan.
Posible anyang sinadya ito ng mga taong namumulitika upang madiin ang kanyang administrasyon sa isyu ng Dengvaxia.
Sinabi pa nito na naging mainit ang usapin sa Dengvaxia nang maglabas ng warning ang Sanofi tungkol sa severe dengue kapag nabakunahan ng Dengvaxia vaccine.
Paliwanag pa ng dating pangulo, hindi naman naging ganap na matagumpay ang Dengvaxia.
Bago aniya siya bumaba sa pwesto ay ginawa naman nila ang lahat ng makakaya para bigyan ng dagdag na proteksyon ang mamamayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.