Nasawi sa aksidente sa Alaminos, Laguna, umakyat na sa tatlo

KIMMY BARAOIDAN / INQUIRER SOUTHERN LUZON

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa karambola ng limang sasakyan sa Alaminos, Laguna noong Linggo.

Ayon kay Alaminos police chief Senior Insp. Jan Albert Rongavilla, nasawi kagabi ang isa pang biktima.

Hindi naman isinapubliko ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga biktima nang walang basbas ng kanilang pamilya.

Sinabi ni Rongavilla na ang lalaking biktima ay pasahero ng isa sa mga sasakyan, habang dalawang babae naman ang sakay ng isa pang kotse.

Naganap ang insidente dakong tanghali ng linggo sa Barangay 2.

Ayon sa opisyal, maghahain sila ng reklamo laban kay Elynel Fernandez, driver ng trailer truck na pumalya umano ang brake kaya sumalpok sa dalawang sasakyan.

Damay rin sa insidente ang isang pampasaherong bus at isa pang sasakyan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...