Kapitan ng barangay sa Misamis Oriental, arestao sa ilegal na droga

Arestado ang isang barangay chairman sa Manticao, Misamis Oriental dahil sa iligal na droga.

Sa ulat ng Manticao police, inaresto si Barangay Camanga chairman Johny Denque sa bisa ng warrant.

Itinuturing si Denque bilang isa umanong “high-value” target ng gyera kontra droga.

Ayon sa pulisya, humiling sila ng search warrant sa bahay ni Denque matapos ang isang test-buy na sangkot siya sa pagbebenta ng shabu.

Narekober sa bahay ng barangay chairman ang P200 marked money mula sa test-buy, dalawang sachet ng shabu at isang pampasabog.

Ayon kay Senior Inspector James Bastatas ng Drug Enforcement Unit ng Misamis Oriental, ikaapat si Denque sa listahan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa lalawigan.

Samantala, naaresto rin si Frederick Sabella na empleyado ng Department of Agriculture.

Ayon kay Bastatas, narekober kay Sabella ang pitong sachet ng hinihinalang shabu.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...