6,000 pamilya posibleng paalisin sa forestlands at wetlands sa Boracay

By Rohanisa Abbas February 26, 2018 - 11:48 AM

Photo from Inquirer Visayas/Nestor Burgos

Posibleng paalisin ng gobyerno ang 6,000 pamilya na iligal na naninirahan sa forestlands at wetlands sa Boracay, ayon kay Tourism Assistant Frederick Alegre.

Sa isang panayam, sinabi ni Alegre na karamihan sa mga ito ay dumating sa isla nang umusbong ang pagtatayo ng establishimyento.

Aniya, sa halip na manirahan sa Boracay ang mga manggagawa kasama ang kani-kanilang pamilya, dapat ay nanatili sila sa Caticlan.

Ayon kay Alegre, naghahanap na ng lugar ang Department of Environment and Natural Resources sa Caticlan na paglilipatan ng mga pamilya.

Ipinahayag ngn opisyal na bubuhayion nila ang mga lupa na inokupahan ng mga pamilya.

Paliwanag ni Alegre, ang ecotourism ay pagpapakita na kapwa nabubuhay ang mga tao at kalikasan; at maaaring bisitahin ng mga turista ang mga komunidad.

Nilinaw naman ni Alegre na hindi nila isasara ang isla sa loob ng anim na buwan na paglilinis nila sa sikat tourist spot na Boracay.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 6000 families, boracay, DENR, dot, Radyo Inquirer, 6000 families, boracay, DENR, dot, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.