Dating Pangulong Aquino, humarap sa Dengvaxia hearing sa kamara

Inquirer Photo / Nino Jesus Orbeta

Humarap sa pagdinig ng kamara si dating Pangulong Benigno Aquino III kaugnay sa kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.

Ito ang unang pagkakataon na dumalo sa pagdinig ng kamara si Aquino mula noong matapos ang kaniyang termino sa pagka-pangulo noong June 2016.

Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Aquino na nagpasya siyang dumalo sa pagdinig dahil obligasyon niya na dalhin sa tamang forum ang usapin sa halip na hayaan ang mga haka-haka at pagdududang dulot ng isyu.

Dagdag pa ni Aquino, tungkulin niyang sagutin ang isyu dahil may mga spekulasyon na ang bakuna ay nagdudulot ng pinsala sa kapakanan ng sambayanang Filipino na itinuturing niyang kaniyang mga “Boss”.

Maliban kay Aquino, dumalo din sa pagdinig si dating Budget Sec. Butch Abad at dating Health Sec. Janette Garin.

Ito na ang huling pagdinig ng kamara sa usapin at ang sunod na hakbang ay maglalabas sila ng committee report hinggil sa kung sinu-sino ang dapat na managot sa isyu.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...