Mula Feb. 12, napauwing OFWs na nag-avail ng amnesy sa Kuwait halos 2,000

By Dona Dominguez-Cargullo February 26, 2018 - 10:28 AM

Umabot na sa 1,982 ang kabuuang bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Kuwait ang nakauwi ng Pilipinas matapos na mag-avail ng amnestiya.

Sa datos ng inilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nasabing bilang ay simula noong February 12 hanggang February 23.

Pinakaraming bilang sa mga umuwing OFWs ay noong February 21 kung saan 491 lahat ang dumating sa NAIA.

Halos araw-araw ay may umuuwing OFWs na pawang amnesty grantee sa Kuwait.

Ayon sa DFA, magtutuloy-tuloy pa ang pag-uwi ng mga distressed OFWs mula Kuwait sa mga susunod na mga araw.

 

 

 

 

 

 

TAGS: amnesty grantee, DFA, distressed, kuwait, OFWs, Radyo Inquirer, amnesty grantee, DFA, distressed, kuwait, OFWs, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.