Ayon sa NGCP, nasa 9,971 megawatts lang ang available capacity ng kuryente sa Luzon habang aabot sa 9,018 megawatts ang peak demand.
Manipis ang reserba ng kuryente dahil sa hindi inaasahang shutdown ng ilang planta ng kuryente.
Sa abiso ng MERALCO, alas 11:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali at alas 2:00 hanggang alas 4:00 ng hapon ang pag-iral ng yellow alert sa Luzon grid.
Dahil dito, nagpa-abiso ang MERALCO sa consumers ng mga maaring gawin upang maiwasan ang pagkakaroon ng power interruption.
Ayon sa MERALCO, malaki ang tulong ang pag-iwas sa pagbubukas-sara ng refrigerator kung hindi naman kinakailangan, palagiang paglinis sa electric fan blades at aircon vents, at pag-unplug sa mga appliances na hindi naman ginagamit.