North Korea, handang makipag-usap sa US ayon sa South Korea
Handa ang North Korea na makipag-usap sa Estados Unidos.
Ito ang sinabi sa isang pahayag ni South Korean President Moon Jae-in at ibinunyag na nakapulong niya si Gen. Kim Yong-chol, ang pinuno ng delegasyon ng North Korea sa Winter Olympics at siya ring intelligence chief ng bansa.
Naganap ang pagpupulong sa pagitan ni Moon at ng delegasyon ng North Korea tatlong oras bago ang opisyal na pagsasara ng Olympics.
Ayon kay Moon, sinabi ng delegasyon ng Pyeongyang na dapat maganap ang dayalogo sa pagitan ng North Korea at United States sa lalong madaling panahon.
Sang-ayon anya ang North Korea na umusad nang magkasabay ang pagganda ng relasyon ng dalawang Koreanong bansa at ang relasyon ng North Korea at US.
Agad namang sumagot ang Estados Unidos sa kahandaan umano ng North Korea na makipag-usap.
Ayon sa US, may magandang daang matatahak sakaling piliin ng North Korea na ihinto na ang nuclearization nito.
Ang pagpili ng North Korea sa denuclearization ayon sa gobyerno ng US ay ang ‘end goal’ dapat ng lahat ng dayalogong posibleng maganap.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.