Alok ng 51 ng mga recruitment agencies at mga kumpanyang nakilahok sa job fair ang kabuuang 16, 156 na job opportunities.
Labin-dalawang libo sa naturang bilang ay mga trabaho overseas habang 4,156 naman ang para sa local employment.
Bandang alas-tres ng hapon pa lamang ay naitala na ng kagawaran ang 133 aplikante na ‘hired on the spot’ para sa mga trabaho sa loob ng bansa ayon kay DOLE Bureau of Local Employment Director Dominique Tutay.
Simula ngayong araw ay magre-report na sa kani-kanilang mga opisina ang mga natanggap on the spot ayon sa kagawaran.
Sa nasabing job fair din ay ipinamahagi rin ng DOLE ang integrated DOLE o iDOLE OFW cards.
Sa pamamagitan ng naturang cards ay hindi na kailangan pang pumila ng mga OFWs sa kanilang mga transaksyon para sa kanilang overseas employment sa pamamagitan ng kanilang access sa iDOLE eServices o online services ng gobyerno.
Samantala, magkakaroon pa ng job fairs ang kagawaran ngayong Marso sa Pasay at maging sa May 1 at June 12 ayon kay Tutay.