KFR suspect na kulektor ng extortion money ng NPA, arestado ng PNP
Arestado ng Philippine National Police (PNP) isang aktibong miyembro ng New People’s Army (NPA) na siyang taga-kulekta umano sa mga pulitiko at negosyante na kinikikilan ng rebeldeng grupo.
Ang suspek na si Donato Jacob alyas Jonas Dondon at alyas Diego ay nadakip sa Obando, Bulacan.
Wanted si Jacob sa kasong robbery at sangkot din ito sa engwentro noong December 23, 2017 sa Angat, Bulacan na ikinasawi ni P/Supt. Arthur Masungsong ng PNP Anti-Kidnapping Group.
Ayon kay PNP Chief Ronald dela Rosa, si Jacob ay nagsisilbing kulektor ng extortion money ng NPA sa mga pulitiko, may-ari ng fishponds at quarry operators sa Bulacan.
Samantala, sa hiwalay na operasyon, naaresto naman ang isang dating sundalo na wanted sa kasong Kidnapping for Ransom na si Brandall Mark Violeta Cacatian alyas Cat.
Nadakip si Cacatian sa Barangay Ususan sa Taguig City.
Ani Dela Rosa si Cacatian ay nasibak sa Philippine Army at ngayon ay operator ng Motorcycle Grab.
Wanted si Cacatian sa mga kasong Kidnapping for Ransom at Kidnapping with Homicide.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.