Mga sasakyang na-isyuhan ng tiket sa ilalim ng Tanggal Bulok, Tanggal Usok campaign, umabot na sa 1,500

Umabot na sa halos 1,500 mga sasakyan ang naisyuhan ng citation tickets sa ilalim ng “Tanggal Bulok, Tanggal Usok” campaign ng Inter-Agency Council on Traffic (i-ACT).

Ayon sa datos ng i-ACT, 1,499 citation tickets na ang kanilang naipalabas at 297 na subpoena.

Aabot naman sa 107 na mg apublic utility vehicles ang napa-impound dahil pawang mga smoke belching o nagbubuga ng maitim na usok habang ang iba naman ay walang prangkisa.

Samantala, mula nang umpisahan ang kampanya, umabot na sa 23,000 pasahero ang naasistihan at nabigyan ng “libreng sakay”.

Ang Tanggal Bulok, Tanggal Usok campaign ay bahagi ng kampanya ng Department of Transportation (DOTr) para sa nationwide implementation ng PUV Modernization Program (PUVMP).

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...