P2P buses mas pinalawak ang serbisyo sa kanayunan
Nadagdagan pa ang mga Point-to-Point (P2P) buses na bumibiyahe hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong GMA (General Metropolitan Manila).
Ayon sa Department of Transportation (DOTr) mula kasi sa dalawang ruta lamang ay naging 17 na sa kasalukuyan ang operational routes kabilang na ang mula sa Maynila papuntang Cavite, Laguna, Antipolo, at iba pang karatig probinsya.
Ngayong 2018, inaasahang labingsiyam (19) pang ruta ang mabubuksan para mabigyan ng mas mabilis at mas matiwasay na pagbyahe ang mas maraming mananakay na Pilipino.
Pagtitiyak ng Kagawaran na ang layunin ng pagpapakalat ng mas marami pang P2P buses sa lansangan ay para gawing mas maginhawa, mabilis at kombinyente ang paglalakbay ng ating mga kababayan.
Maliban dito ay mas accessible din ang P2P sa mga taong may kapansanan at mga matatanda na hirap na sa pagsakay sa mga ordinaryong Public Utility Vehicles.
Ang mga P2P buses ay environment friendly rin ‘di umano dahil malinis na pang gatong ang ginagamit sa pagpapandar sa mga ito para maibsan ang polusyon sa kapaligiran.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.