LPA, binabantayan ng PAGASA sa Palawan

By Dona Dominguez-Cargullo February 26, 2018 - 07:46 AM

Isang Low Pressure Area (LPA) ang patuloy na binabantayan ng PAGASA sa Palawan.

Huling namataan ang LPA sa 265 kilometers Southwest ng Puerto Princesa City, Palawan.

Ayon kay PAGASA weather specialist Samuel Duran, maliit pa ang tsansa na maging bagyo ang LPA pero maghahatid na ito ng pag-ulan sa lalawigan ng Palawan at sa Zamboanga Peninsula.

Northeast monsoon naman ang umiiral sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at Ilocos Region.

Habang tail-end ng cold front naman sa Bicol Region, Eastern Visayas at lalawigan ng Quezon.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Pagasa, weather, Pagasa, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.