Ex-PNoy at Ex-Sec. Abad, dadalo sa Dengvaxia hearing sa Kamara ngayong araw

By Rhommel Balasbas February 26, 2018 - 03:40 AM

 

Nakatakdang dumalo sa pagdinig ng Kamara ngayong araw sina dating Pangulong Benigno Aquino III at dating Budget Secretary Florencio Abad kaugnay ng kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.

Dadalo ang dating dalawang opisyal bilang resource persons.

Ang naturang pagdinig ay kapwa pamumunuan ng House Committee on Good Government and Public Accountability at House Committee on Health.

Ayon kay Surigao del Sur Second District Rep. Johny Pimentel, chairman ng Committee on Good Government inaasahang ang pagdinig ay magbibigay linaw kung pinayagan ba ng dating pangulo ang realignment ng pondong aabot sa P3.5 bilyon para sa pagbili ng dengue vaccines sa Sanofi noong 2016.

Matatandaang kamakailan ay ipinahayag ng dating pangulo ang kanyang kahandaan sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa pagbili ng naturang mga bakuna sa ‘proper forum’.

Inimbitahan din si dating Health Secretary Janette Garin sa pagdinig at ang iba pang mga kasalukuyang opisyal ng administrasyong Duterte.

Samantala, nauna nang dumalo si Aquino, Abad, Garin at dating Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. sa kaparehong pagdinig ng Senado tungkol sa isyu noong Disyembre.

Iginiit noon ng dating pangulo na walang nagparating sa kanya ng pagtutol sa Dengvaxia bago, habang o pagkatapos man magdesisyon ng kanyang administrasyon sa procurement nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.