BREAKING: Papua New Guinea, niyanig ng magnitude 7.5 na lindol
Niyanig ng malakas na lindol ang Papua New Guinea dakong ala-1:40 ng madaling araw oras sa Pilipinas.
Base sa inisyal na ulat ng US Geological Survey (USGS), may lakas ang pagyanig na magnitude 7.5.
Naitala ang episentro ng lindol sa isang bulubunduking rehiyon sa hilaga ng Mount Bosavi, na isang bulkan.
May lalim ang lindol na 10 kilometro.
Sa kasalukuyan ay hindi pa natutukoy ang lawak ng pinsala ng lindol o kung may nasaktan ba dito.
Ang Papua New Guinea ay isa sa mga bansa na kabilang sa Pacific Ring of Fire na kalipunan ng mga bansang madalas na nililindol at napaliligiran din ng mga bulkan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.