Epekto ng Train Law sa ekonomiya, tatalakayin sa Senado ngayong araw
Nakatakdang pulungin ng Senate Committee on Economic Affairs ngayong araw ang pinakamatataas na economic managers ng gobyerno at ilang mga miyembro ng akademya upang talakayin ang epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law sa ekonomiya.
Nais ni Senator Sherwin Gatchalian na siyang chairman ng komite na malaman ang epekto ng TRAIN Law ng administrasyon sa ‘purchasing power’ ng mga konsyumer at maging mga pagbabago sa behavior ng mga ito.
Nais ng senador na malaman kung anong aksyon ang maaaring gawin ng gobyerno para mapahupa ang epekto sa mga consumer ng ‘inflation’ o patuloy na pagtataas ng presyo ng mga bilihin lalo pa’t umarangkada ang TRAIN.
Kamakailan ay nagpanukala si Gatchalian ng isang resolusyon na nananawagan upang tingnan ng Senado ang iba’t ibang paraang upang makontrol ang inflation.
Sisilipin din ng senador ang eksaktong kalagayan ng expanded cash transfer program ng pamahalaan na layong tulungan ang halos 10 milyong pamilya sa epekto ng TRAIN.
Nangangamba si Gatchalian na ang pagtaas ng presyo ng mga pagkain ay magbunga ng mas mataas na bilang ng ‘hunger incidence’ o pagkagutom partikular ng mga maralita at nasa working class.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.