Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ngayong umaga huling namataan ang bagyo sa 60 km west ng Baler Aurora.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers kada oras.
Kumikilos ito sa direksyong West Northwest sa bilis na 20 kilometers kada oras.
Nakataas pa rin ang public storm warning signal number 2 sa mga lalawigan ng Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Benguet, La Union, Pangasinan at Tarlac.
Habang signal number 1 naman ang nakataas sa Southern Isabela, Ifugao, Mt. Province, Ilocos Sur, Zambales, Pampanga, Bataan, Bulacan, Rizal, Northern Quezon kabilang ang Polillo Island at sa Metro Manila.
Ayon sa PAGASA bukas ng madaling araw ay posibleng lumabas na rin ng bansa ang bagyo at unit-unti nang gaganda ang panahon.