Pagbawi sa deployment ban ng OFWs sa Kuwait desisyon ng pangulo ayon sa DOLE

By Rhommel Balasbas February 26, 2018 - 02:38 AM

 

Iginiit ng Department of Labor and Employment (DOLE) na tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang makapagdedesisyon kung babawiin ang deployment ban ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Kuwait.

Ito ay matapos nang maaresto ang mga pangunahing suspek sa pagkamatay ni Joana Demafelis, ang OFW na pinatay at isinilid ang katawan sa isang freezer.

Matatandaang sinabi ng pangulo noong Huwebes na mananatili ang deployment ban maliban kung madarakip ang mga suspek.

Gayunman, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang pangulo ang magdedesisyon ukol sa pagbawi sa deployment ban.

Hindi naman isinasara ng kalihim ang pagbawi sa ban sakaling pumirma ang Kuwait sa Memorandum of Understanding na layong protektahan ang mga OFWs.

Nitong linggo ay naaresto na ang mag-asawang sina Nader Essam Assaf at Mona Hassoun sa magkahiwalay na operasyon sa Lebanon at Syria.

Sila ang employers ni Demafelis na itinuturong suspek sa pagkamatay ni Demafelis.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.